Samahan mo 'ko sa 'king kapangahasan.
Sabay nating nakawin ang oras
upang malasing tayo sa walang hanggan-
ng inangkin nating mga bituin't rosas.
Kahit ngayon lang, sa aulok nitong kalawakan,
tayo'y maging tangi nitong laman.
Paglaruan moi 'ko sa 'ting paghiga sa damohan.
Sa pagod, ang ating mga mata, masaya nating saktan
sa pagdapo ng walang humpay na ulan.
Yakapin natin sa isa pang init and ating panginginig-
Hawakan natin, ating mga kamay sa nanunuot na lamig.
Kahit ngayon lang, sa tabi ng basa kong katawan,
angkinin natin and ngiti ng liwanag at kadiliman.
Dalhin mo 'ko sa tabi ng ilog .
Sabay tayong matakot sa pagragasa ng agos,
gumuhit na lamang sa putik ng nagagandahang bilog.
Sa uling tawag ng tubig,
Itapon natin, ating mga saplot at ating lusungin
and sarap, panganib at lamig
at sa kalayaan ng tawanan, walang patid nating languyin
ang bawat sulok na ating naisin.
Oras na, sa pagod, tayo'y lumubog
Yayakapin kita't masayang lisan 'tong ilog.
johnmarc
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
beautiful. your at your best using our native tongue.
teep... I made this poem on our third monthsary. Honestly, I am not so confident aout this work at all. I think that the images are too out there yet, the whole this pulled off a single theme. whew. good thing.
Post a Comment