Ang aking ulan, huwag mong kunin sa akin.
Mga maliliit kong kaligayahan,
binaba, konting haplos man lang ay
maangkin
mula sa bulag na pag-asa ng ulan.
Sa 'ting laro, halakhak mo'y bihag ako.
Mga walang hanggang sayawan sa sulok,
hinubaran kabuohan ko't pinako
sa tamis ng mga kasiyahang bulok.
Sa gitna ng mga sinungaling halik,
ako'y nalinlang, hinalikan kang tunay.
Sa hinihigaang damo'y di bumalik.
Dala mong ulan. Nilubayan ng kulay.
Nanlalamig, hubo't basa kong katawan.
Tinitignan ngayo'y madilim na langit,
mag-isang nilalalsap, ayaw kong ulan.
Ang ulang tabi kita, nais kong higit.
johnmarc
published: Veritas Literary Folio 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment